Monday, 16 March 2015

"Madasalin At Makadiyos."

"Laging may nakagabay sa atin na Diyos. Kapag malakas ang ating pananampalataya natin sa kanya ay maari pa nga niya tayo iligtas sa lahat ng pagsubok na ating hinaharap. Isa ang pagiging makadiyos sa dahilan kung bakit maraming tao ay naililigtas ng Panginoon. Kailangan lang na patuloy tayo manampalataya at purihin ang Diyos para mapatunayan na hindi basta-basta lamang ang pagdadasal."


"Pagkakawanggawa at Pagtulong sa Mga Tao."

"Pagtulong sa mahihirap ng walang pag-aalinlangan ay isang mahirap na gawain samantalang kakaunti na lamang ngayon ang nagbibigay sa kanila ng walang hestitasyon. Isang magandang asal rin ang pagbibigay sa mga mahihirap ng kahit anong kakarampot na bagay na kaya mo maibigay."

Sunday, 15 March 2015

"Sama-sama ang Magkakapamilya Sa Lahat ng Oras."

"Nananatiling matibay at panatag ang relasyon ng magkakapamilya sa Iba't ibang panahon, masama man ang mga oras na iyon o masaya. Tayo din ay diretso at walang takot ang pananaw sa buhay kaya lahat tayo ay nananatiling masaya sa lahat ng oras."

"Pag-aalala ng Lubos sa Ating Kapamilya."

"Pagaaruga at pag-aalaga sa kapwa natin gaano man kabigat ang kanilang dinadamdam o dinaranas dahil isa iyon sa mga nagpapakita na tayo ay nag-aalala sa kanila at handa tayong makiramay o makisama sa lahat ng kanilang mga pinagdaraanan o naranasan."

"Pagtulong Sa Gawaing Bahay."

"Tumutulong sa mga gawaing bahay kagaya ng pagwawalis at paghuhugas ng mga pinggan dahil isa din iyong paraan para makatulong ka sa iyong mga magulang at pwede mo rin isipin iyon na parang pagtanaw ng utang na loob sa kanila dahil ginawa din naman nila ang mga gawaing iyon nung mga bata pa tayo."



"Tapat na Pagsasauli Ng Gamit sa May-ari Nito."

"Ang pagsasauli ng nawawalang gamit sa kanyang may-ari ay isang tapat at matapang na gawain. Dahil doon mo malalaman kung kaya mo ba talaga na maisuli ang gamit na iyong nakita at nakuha."

Saturday, 14 March 2015

"Sa Pagkalinga At Pasasalamat"



"Sa Pagkalinga at Pasasalamat"
Akda ni: Maria Julianna Pimentel

Lagi natin sila kaakbay sa mga pagsubok
kasama sila sa unahan hanggang sa dulo.
Tinutulungan ang isa't isa sa mga oras
kahit anuman ang ating ugali. Loob at labas
walang maninira dahil laging magkakasama.
Panatag at may tiwala sa isa't isa.
Gawin nating uso ang mabubuting kaugalian.

Bigyan sila ng utang na loob 
dahil inalagaan tayo mula pagkabata.
Makulit man tayo o pasaway
Pinapagpasensyahan parin nila tayo
kaya huwag naman sana tayong humiwalay
at panatilihing buo at buhay ang pamilya.
Buong suyong natin iparamdam
ang ating walang hanggan na pagmamahal.

Magbigay salamat sa Diyos
dahil siya ang nagbigay sa atin ng buhay.
Magbigay respeto at pasasalamat 
hindi lamang sa Diyos, pati sa ating mga pamilya
hanggang sa huli ay huwag natin kakalimutan
na kahit isang beses lang ay may naituring
tayo na ating mga magulang.

"Ang Aking Pamilya sa Harap Ng Pagsubok"



"Ang Aking Pamilya sa Harap ng Pagsubok"
Akda ni: Irene Faye Damolo

                     Ang aking pamilya ay matatag sa kahit anong problema. Hindi kami kaagad sumusuko sa kahit anong problema, dahil kung may problema man ay aming maayos agad at pinag-sisikapan din naming malutas ng mabilis ang aming problema. Kaming pamilya ay nagtutulong-tulong sa isa't isa, kung ang isa ay may problema ay tutulungan naman ng isa. Sa aming pamilya, kung sumuko agad ka paano mo masososlba agad ang iyong problema. Para sa amin, lahat ng problema ay mayroon sulosyon. Hindi mawawala ang problema ng isang pamilya kapag kung wala kang pamilya ay wala ka na rin problema, kasi wala kang proproblemahin. Dahil lahat tayo mayroong pamilya kaya lahat tayo ay mayroon din problema 

"Ang Aking Pamilya Sa Ganap Na Pagsubok"



"Ang Aking Pamilya sa Ganap na Pagsubok"
Akda ni: Maria Julianna Pimentel

                
                 Ang aking pamilya sa ganap na pagsubok ay walang takot at magkakasama naming sinosolusyonan ang aming mga problema at pagsubok na haharang sa aming pagmamahalan. Handa kami magsakripisyo para lamang sa kapakanan ng isa o mahigit pa na miyembro ng aming pamilya. Bihira lamang ang mga madaling sumuko sa aming magkakapamilya dahil isa ang katapangan at pagharap sa pagsubok ang aming katangian at nagpapasalamat ako doon.

                Kahit ganoon man ito kahirap ay kinakailangan parin pagtiyagaan ang mga harang o pagsubok sa aming buhay. Iyon ang patunay na kaming magkapamilya ay hindi kayang masira at mawatak ng basta basta na lamang dahil naniniwala kami sa isa't isa at hindi kami mag-aalangan na iligtas sa pahamak ang mga miyembro ng aming pamilya. Ganoon kaimportante ang bawat isa sa amin at sigurado ako na kailanman ay walang makakapagbitaw at makakasira sa aming pamilya.

                 Sana ay mayroon din na ibang pamilya na handa na iligtas ang kamiyembro ng kanilang pamilya at handang magsakripisyo para sa isa't isa at sigurado ako na magiging maganda ang buhay ng mga pamilya kapag ganoon ang kanilang mga katangian at personalidad lalo na kapag kasama ang isa't isa.