"Laging may nakagabay sa atin na Diyos. Kapag malakas ang ating pananampalataya natin sa kanya ay maari pa nga niya tayo iligtas sa lahat ng pagsubok na ating hinaharap. Isa ang pagiging makadiyos sa dahilan kung bakit maraming tao ay naililigtas ng Panginoon. Kailangan lang na patuloy tayo manampalataya at purihin ang Diyos para mapatunayan na hindi basta-basta lamang ang pagdadasal."
Hiwaga ng Pagtulong sa Kapwa Natin
~Nagbibigay hiwaga ang ang pagtulong sa ating mga kapwa. Kahit gaano man ito kaliit ay nakakapagbago na ito ng mga buhay ng tao. Hindi masama ang pagtulong sa kaninuman at huwag naman sana tayo manghingi ng kapalit kapag tayo ay tumulong sa kapwa natin. Tandaan na nakakapagbigay saya at milagro ang ating pagtulong sa iba't ibang tao.~
Monday, 16 March 2015
"Pagkakawanggawa at Pagtulong sa Mga Tao."
"Pagtulong sa mahihirap ng walang pag-aalinlangan ay isang mahirap na gawain samantalang kakaunti na lamang ngayon ang nagbibigay sa kanila ng walang hestitasyon. Isang magandang asal rin ang pagbibigay sa mga mahihirap ng kahit anong kakarampot na bagay na kaya mo maibigay."
Sunday, 15 March 2015
"Sama-sama ang Magkakapamilya Sa Lahat ng Oras."
"Nananatiling matibay at panatag ang relasyon ng magkakapamilya sa Iba't ibang panahon, masama man ang mga oras na iyon o masaya. Tayo din ay diretso at walang takot ang pananaw sa buhay kaya lahat tayo ay nananatiling masaya sa lahat ng oras."
"Pag-aalala ng Lubos sa Ating Kapamilya."
"Pagaaruga at pag-aalaga sa kapwa natin gaano man kabigat ang kanilang dinadamdam o dinaranas dahil isa iyon sa mga nagpapakita na tayo ay nag-aalala sa kanila at handa tayong makiramay o makisama sa lahat ng kanilang mga pinagdaraanan o naranasan."
"Pagtulong Sa Gawaing Bahay."
"Tumutulong sa mga gawaing bahay kagaya ng pagwawalis at paghuhugas ng mga pinggan dahil isa din iyong paraan para makatulong ka sa iyong mga magulang at pwede mo rin isipin iyon na parang pagtanaw ng utang na loob sa kanila dahil ginawa din naman nila ang mga gawaing iyon nung mga bata pa tayo."
"Tapat na Pagsasauli Ng Gamit sa May-ari Nito."
"Ang pagsasauli ng nawawalang gamit sa kanyang may-ari ay isang tapat at matapang na gawain. Dahil doon mo malalaman kung kaya mo ba talaga na maisuli ang gamit na iyong nakita at nakuha."
Saturday, 14 March 2015
"Sa Pagkalinga At Pasasalamat"
"Sa Pagkalinga at Pasasalamat"
Akda ni: Maria Julianna Pimentel
Lagi natin sila kaakbay sa mga pagsubok
kasama sila sa unahan hanggang sa dulo.
Tinutulungan ang isa't isa sa mga oras
kahit anuman ang ating ugali. Loob at labas
walang maninira dahil laging magkakasama.
Panatag at may tiwala sa isa't isa.
Gawin nating uso ang mabubuting kaugalian.
Bigyan sila ng utang na loob
dahil inalagaan tayo mula pagkabata.
Makulit man tayo o pasaway
Pinapagpasensyahan parin nila tayo
kaya huwag naman sana tayong humiwalay
at panatilihing buo at buhay ang pamilya.
Buong suyong natin iparamdam
ang ating walang hanggan na pagmamahal.
Magbigay salamat sa Diyos
dahil siya ang nagbigay sa atin ng buhay.
Magbigay respeto at pasasalamat
hindi lamang sa Diyos, pati sa ating mga pamilya
hanggang sa huli ay huwag natin kakalimutan
na kahit isang beses lang ay may naituring
tayo na ating mga magulang.
Subscribe to:
Posts (Atom)